Tags

, ,

“We are going home.”

My first words when we boarded the taxi at Leiden heading to Schipol. We were going back to the Philippines after staying 2 years and a few days in the Netherlands.

The irony does not escape me.

Leiden has been my home. The Philippines, although thoughts of familiar faces excite me, could not evoke an emotion other than the feeling of uncertainty. Uncertainty is not even remotely related to home.

“Pauwi na tayo.”

– ang unang katagang binitiwan ko habang papasakay sa taxi sa Leiden papuntang Schipol. Pabiyaheng Pilipinas na kami matapos ang mahigit sa dalawang taong pamumuhay sa Netherlands.

Tahanan na ang Leiden para sa akin. Habang ang Pilipinas, bagama’t puno ng mga taong pamilyar, ay binibuksan ang mga damdaming may pag-aagam.

Kahit sino man ang iyong tanunging saan mang sulok ng mundo, hindi mapagsasama ang mga salitang pag-aagam at tahanan kailanman.

Mahirap maitago ang naglalabang puso’t diwa.

This was not the first time that I moved places. At 16, I started living at a university dormitory.  My residence was a superposition of ‘Bilibid’ and the university. Most of the time, I was in the dormitory but I would relieve whatever stress I had from the university life, going back to Muntinlupa.

After taking the plunge, I settled in another city. I had little attachment to that place but really felt sad when we had to go overseas, to Leiden.

Walang hanggang ulap (neverending clouds).

Initially, Leiden was difficult to bear. The endless days of endless clouds made my tropical skin scream for some sun. 

Beyond the clouds however, all is nice, all is at peace.

At that time, my heart grew in Leiden.

Hindi naman ito ang una kong paglilipat.  Noong 16 taong gulang palang ako, nagsimula na akong tumira sa dormitorio sa loob ng pamantasan. Simula noon, nahahati na ang aking pamumuhay sa unibersidad at sa Bilibid, ang lugar na aking pinaglakihan. Kung nais kong takasan ang mga pasakit ng unibersidad, matatagpuan ako sa kandungan ng Muntinlupa.

Tumira rin ako sa isa pang lungsod na bagama’t katiting lang ang aking pagkagiliw, ay nakaramdam pa rin ako ng kalungkutan noong kami’y patahak papuntang Leiden.

Sa simula, mahirap manirahan sa Leiden. Ang walang hanggang ulap ay tila hindi tatahan. Nagsusumigaw para sa araw ang kayumanggi kong balat na nauuhaw sa kanyang pagdilig.

Ngunit sa ibayo ng ulap, may kahinahunang madadama. Lahat ay payapa. Dahil dito, napamahal na ang Leiden sa akin.

R. Weiss in the book Attachment across the life cycle (Parkes, C. et al. (Eds.), 1991), gave 3 indicators of being bonded to a figure; in my case, to a place.

It could be summarized in my situation as: 1) I want to be in that place specifically when under stress; 2) I derive comfort and security from that place; and 3) I protest when that place becomes or threatens to become inaccessible.

Seen from these indicators, there are only 2 places where I truly bonded. I feel really at home in Bilibid and Leiden. Much more than good memories, it is that gleeful state in which these places can put me with just thinking about them.

But it doesn’t mean that these are the only places that I will consider home in the future. We cannot foresee it anyway.

Sa librong Attachment across life cycle (Parkes, C. et al. (Eds.), 1991), sinabi ni R. Weiss na may tatlong palatandaan ng pagiging tali sa isang bagay.

Sa aking kalagayan, ito ay masusuma sa mga sumusunod: 1) Kapag ang utak ko’y tuliro at katawa’y hapo, ito ang aking kanlungan; 2) Nakakamtan ko ang kaalwanan at katiwasayan sa lugar na ito; at 3) May paghihinagpis ako kung ang lugar ay na ito ay hindi na mapupuntahan o matutuluyan pa.

Samakatuwid, dalawa lang ang lugar kung saan tunay akong nanahan – sa Bilibid at sa Leiden. Hindi lang dahil sa masasayang alaala, kungdi dahil dinadala nila ako sa ibang ulirat na ubod ng saya, maisip ko lamang sila.

Ngunit hindi ko masasabing ang mga lugar na ito lamang ang maituturing kong tunay na tahanan lalung-lalo na sa hinaharap. Mahaba pa ang lakbayin.

This leads me to the Filipino concept of ‘tahanan’ or home.

Home or ‘Tahanan’ comes from the word ‘tahán’. In Tagalog, it has a positive connotation of  ‘cessation’ as in to cease from crying. ‘Tahán’ in Bikol is ‘to endure more than the another’ while it is ‘to detain’ for the Samar-Leyte Bisaya.

‘Tahanan’ can thus be constructed as a place where one stops and everything can be endured.

Ano nga ba ang tahanan sa aking Filipinong kamalayan?

Ang salitang ‘Tahanan’ ay hango sa salitang ‘tahan’. Sa Tagalog, ito ay paghinto na  may positibong paglalahad. Halimbawa, tumahan ka na sa pag-iyak. ‘Tahan’ sa Bikol ay ‘pagtitiis higit pa sa iba’ habang ito ay ‘pagka-antala’  sa Samar-Leyte Bisaya.

Ang ‘Tahanan’ sa gayon ay isang lugar kung saan ang isang tao ay nakahumpay at kung saan kayang salagain ang lahat ng kanyang pinagdadaanan, gaano man kabigat.

Where will my next home be? Or should I force myself to stop and build my own home wherever?

Saan kaya ang susunod kong tahanan? O sikapin ko nalang kayang huminto at magbuo ng sarili kong tahanan kahit saang lupalop man?

Advertisements