Tags

, , ,

I’ll start with a confession. That ‘unknown’ stench you smell in the 9th floor of the Huygens laboratory is from my lunch box. The smell is from ‘bagoong’ or sauteed shrimp paste, a well-loved condiment from the Philippines.

So yes, now it has been told.

Our bagoong is imported from the Philippines. It is our ‘precious’. Every few months or so, my mother-in-law would send a few packs from the Islands in the guise of a letter. Bagoong may be available from the nearby Asian store but that bagoong is either too expensive and nearing its expiry date, or it is not the Pinoy kind.

We use bagoong in a lot of dishes. But for me, the best way to eat bagoong is with Kare-kare.

May ‘pagtatapat ako.

Oo, ako na ang nag-init ng bagoong sa Huygens Lab! Nakalimutan ko kasing ibukod ang bagoong, bago ko initin ang baon ko. Toinks.

Huwag nyo akong pagtawanan. Imported yata itong mga ‘my precious’ namin. Dumadating silang nagpapanggap na sulat. Dahil may bagoong mang mabibili sa kapit Asian store, may kamahalan at malapit nang masira o di naman kaya’y hindi sila Pinoy-style.

Marami kaming pinaggagamitan ng bagoong. Pero sa aking panlasa, ang pinakamasarap na gamit ng ginisang bagoong alamang ay sa Kare-kare.

Ox tail Kare-kare ni Alice. Malaking pasasalamat ko kay Alice, sa Google at kay kuya Vanjo.

Kare-kare is a Philippine peanut stew. It is usually mixed with vegetables like aubergine, pak choi, or string beans.

How do you cook Kare-kare? First you have to cook a lot of rice so that you’ll never run out of it. Then on a separate pot, saute garlic and onion, add beef and water. When the meat is tender, put the peanut sauce (in our case peanut butter). Season with salt and pepper (and sometimes sugar) before putting the vegetables. Once the vegetables are cooked, you’re done.

And it’s time to eat.

Usually, I keep some for lunch the following day. But in some other times, it is just so difficult to resist. This means I’ll have peanut butter sandwich the next day. And yes, that peanut butter was that leftover ingredient.

(Granted that it was only a coincidence since peanut butter sandwich is my default lunch if I over ate the night before regardless of what dish it was. But for the sake of this post, let me just continue with my story.)

Siyempre, hindi ko na sasabihin sa inyo kung ano ang Kare-kare.  Alam nyo na dapat yan!

Pero paano nga ba niluluto ang Kare-kare? Una sa lahat, kailangan mo munang magsaing ng marami. Baka mabitin ka. Sa ibang lutuan, igisa ang bawang, sibuyas, ang karne at lagyan ng tubig. Hayaang kumulo hanggang maging malambot ang karne saka lagyan ng peanut butter. Timplahan ng asin at paminta (minsan ng asukal) at ilagay ang mga gulay (talong, pechay o kaya’y sitaw). Kapag naluto na ang mga gulay, maaari ka nang kumain. Yummy!

Karaniwang nagtatabi ako ng kaunti para may pambaon kinabukasan. Subalit minsan, hindi ko napipigilan ang aking sarili at nauuwi ako sa pagbabaon ng peanut butter sandwich. Tama ka. Dahil walang natira sa Kare-kare, napilitan akong magbaon ng tinapay na may palamang peanut butter. At tama ka pa rin! Ang peanut butter na yan ay tirang sangkap na hindi nagamit sa Kare-kare.

(Ok ok. Hindi lang sa Kare-kare nangyayaring nauubos ko ang dapat kong baon at nauuwi ako sa peanut butter sandwich.  Pero para sa kapakanan ng post na ito, pagbigyan nyo na ako.)

So what’s like eating pindakaas sandwich? If my tongue feels frustrated in search of that Kare-kare taste the night before, my mind starts to wander; first connecting taste to things then to memories.

Peanut butter. Kare-kare. Aubergine. Bagoong. Green mangoes. Picking fruits on a hot summer day. Sleeping in a hammock. Falling out of a hammock. Getting bruised. Playing patintero. Capturing fireflies. I could go on and on and on and on.

According to J.S. Allen’s Theory of Food, “We (humans) have a normal diet, significantly shaped by our cultural environment, that seems as natural as breathing. However, when that  diet is changed by circumstance or choice does its deep-seated cognitive foundation become apparent.” 

Having a small taste of the peanut butter evokes thoughts of things and memories because as Allen continues, “Our complex language based cultural environment embeds food in an extensive web of other cognitive associations.”

Ano nga ba ang pakiramdam ng pagkain ng peanut butter sandwich? Kung mataimtim na hinahanap ng dila ko ang lasa ng Kare-kare nang nakaraang gabi, unti-unti namang lumilibut-libot ang aking diwa; nagsisimula sa pag-uugnay sa lasa sa mga bagay-bagay, at sa mga alaala ng nakalipas na panahon.

Peanut butter. Kare-kare. Talong. Bagoong. Manggang hilaw. Panunungkit ng manggang hilaw sa init ng tag-araw. Pagtulog sa duyan. Pagbagsak sa duyan. Pagkahulog sa duyan. Pagkagalos. Paglalaro ng patintero. Panghuhuli ng alitaptap.  Mga alaalang hindi matapos-tapos.

Sinasabi ni J.S. Allen sa kanyang Theory of Food na ang tao ay may natural na pagkaing hinulma ng kulturang kanyang pinagmulatan. Ito’y kasing natural ng paghinga.  Subalit kapag ito’y nabago, ginusto man o hindi, ang natatago nitong ugat sa kamalayan ay nagiging malinaw.

Sa nalalasahang peanut butter, madaling napupukaw ang diwa. Sabi pa ni Allen,  ang ating kulturang pinagmulatan ang mismong masinsing nagsisiksik sa pagkain sa isang malawak na ugnayan ng iba pang kamalayan.

taste that is so minute can trigger gazillion thoughts.

Ang simpleng pagkalabit sa dila ay isang bilyong kiliti sa diwa.

So next time you see me eating alone, you will know why I look sad sometimes but most of the time you’ll see me with a smile.

Sa susunod na makita mo akong kumakain mag-isa, alam mo na kung bakit ako’y minsa’y malungkot ngunit karaniwa’y may sayang hindi paipinta.

Advertisements