About

Ako si Nath – laki sa labas ng mga higanteng pader ng Maximum Security Camp sa Bilibid, Muntinlupa, nagkamalay sa  mga gahitanteng pananaw ng Pamantasan ng Pilipinas, at ngayo’y nakikipagsalaparan sa higanteng mundong iba’t iba’t ibang iba.

I am Nath. I grew up near the walls of the Maximum Security Camp. 

Magkaliwanagan lang muna tayo, wala akong balak maging higante.

Kung masugid kayong nagbabasa ng isa ko pang blog, marahil magtataka kayo kung bakit ko pa kinailangan ng isa pang pagkakaabalahan. Simple lang naman ang kasagutan – bored ako.

Pero ang totoo, mahilig talaga akong magkwento. Marami akong sanaysay, may saysay man o wala, na nais isulat. Hindi ko naman pwedeng isulat ang mga ito sa Imprints of Philippine Science dahil pang Science at Research lang talaga ‘yon. Hindi naman ako politiko para bigla-bigla nalang baguhin ang patakarang ako mismo ang gumawa!

Ano ba talaga itong blog na ito?

Ang siyensya ay isang malaking parte ng buhay ko. Ngunit, marami pa rin naman akong kinahihiligan – kumain, matulog (at managinip), at maglakbay (literally at figuratively). Ako’y isa rin namang tao sa mundo.

So what is this blog all about?

It is about all the things that interest me excluding Science. Although science is a large part of my life, I also have a life outside of it. Just like any human being – I eat, I dream, and I travel. 

Marahil nagtataka ka rin (oo, ikaw na nagbabasa) kung bakit dalawang wika ang nababasa mo dito.

Sinadya ko yan dahil gusto kong makapagpahayag sa mga wikang aking gamay. Take note: MGA!

Sa Ingles, mas madali kong masasabi ang mga saloobin na hindi kinakailangan ng emosyon tulad sa mga usaping pang-akademiko o current events.

Iba naman ang pitik ng puso’t kamalayan ko kapag gamit ko’y Filipino. Halimbawa sa isang taludtod (line) ng kantang Init sa Magdamag na musika ni Willy Cruz at titik ni Baby Gil: Kung langit sa atin ay ipagkait, dito sa init mo’y muling makakamit. Iba ang sipa! Obvious naman sigurong kapag nasakatan ako ‘Aray!’ ang sinasabi ko at hindi ‘Ouch!’

(Meron pa pala akong isa pang wika – ang wika ng Pisika. Ito ang gamit ko kung nais kong maguluhan ang mga taong kausap ko.)

Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung ano ang kahihinatnan ng blog na ito. Ang alam ko lang:

Lahat tayo, maging ano man ang kalagayan sa buhay, masaya man o malungkot, ay may pagnanais pumunta sa lugar kung saan mapapawi ang kalungkutan, at kung saan tatahan ang luha –  sa tahanan.

Sa blog na ito, nais ko sanang gawing tahanan ang mundo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s